my unintentionally stupid conversations with Helen
Mica: Nakakita kayo ng dolphin sa Bohol?
Helen: Oo... ang dami nila!!
Mica: Wow... as in nakita niyo mismo yung mukha nila?
Helen: Ay, yun nga eh... nakakainis... puro fins lang nakita namin... pero (does sound) nag-eeee-eeeh! sila!
---
Mica: Ang sarap nio... gusto ko talaga makakita ng dolphin...
Helen: Ang cute nga eh! Pansin mo pa, di ba parang nakasmile sila?
Mica: Oo kaya! Ganun din yung dog namin noon... parang nakasmile din parati!
Helen: Oo! Alam mo din yung manta ray? Diba yung bibig niya nasa ilalim? Parang nakasmile din!
Mica: Oo! Ang cute!
---
Helen: Ang sarap siguro maging whale! Nakababad lang sa ilalim ng tubig... sobrang peaceful...
Mica: Oo nga noh... hehe, tama bang gustuhing maging whale? Pero parang ang sarap nga... kaso hindi ba sila inaaway ng sharks?
Helen: Ewan ko lang... eh, masmalaki naman yung whale sa shark...
Mica: Ah sa bagay... pero nakakatakot pa rin... mas aggressive yung shark eh...
Helen: Hindi ba bulag din naman yung mga yun? Ang alam ko pangamoy lang ginagamit ng sharks para makaamoy ng blood...
Mica: Ah talaga?... Parang mosquito!
Helen: Mosquito? Talaga? Hindi ko alam yun ah... hindi rin pala sila nakakita---
Mica: Ay, teka, hindi ko lang alam kung bulag din ang mosquito...
(?) hehe
No comments:
Post a Comment