Thursday, March 03, 2005

After talking to Mia and Annalice and finishing my debate speech today, it suddenly dawned on me that tomorrow was already going to be our last academic class day. I was so caught up in wanting to go to college that I really failed to realize just how much I would be leaving behind after graduation.

I never thought I'd say this anytime soon, but somehow, ayoko pang matapos yung debate. Ayoko pang matapos ang mga hellweek na pinagpapaguran naming daanan, yung mga proyektong binibuhusan namin ng oras, yung mga senseless recess moments namin nina Helen, Ven at Paula, yung mga llama llama duck, yung mga stupid serious discussions at opinions ng DA, yung DA..., yung pagsalubong ko sa tauphiphi bawat umaga, yung pagiging masungit ko bawat paggising sakin ng alarm clock ng 5:45am para makarating ako sa school sa oras, yung traffic papuntang Ateneo tapos Miriam, yung uniform namin na may MC logo at may pleated green skirt at beige blouse, yung paghulog ko ng susi sa YLC bawat dismissal time, yung club ko, yung mga TEACHERS ko, yung pag-iilang ko kay CALCULATOR-MAN kaya nagiging challenge sa akin magrecite sa subject na yon, yung pagkairita ng buong batch kay JUNIE LEE kahit na alam naming magiging magaling siyang college teacher, yung mga pagtulog ko sa Physics class ng di-oras, yung pag-uusap namin ng mga kaibigan ko tungkol sa college, yung mgatrips sa bahay ni Merc, yung mga pagalis namin ni kristina nang maaga paglunch and recess, yung mga song sessions nina Bhelly and Jessie, yung pangungulit nina Rosa, Anjfart, Benees Mais at Bob, yung mga pacute ni Shiela, yung mga arguments ni Ampao (haha :P), yung mga paghangout namin nina Kat and Smarla, yung mga stories ni Steph na hindi ko natatapos basahin, yung presence ni Ave at ng kanyang waterjug, yung mga Moulin Rouge moments namin ni Precious, yung pagKamirori namin ni Choco Cake Paula, yung mga buhos na homework, yung mga mahihirap at mahahabang homework ni Ms. Obias, si Ms. Obias na naging isa sa mga paborito kong guro kasama nina Sir Diwa, Sir Aris at Mama Josie, yung mga presentations, yung mga CLASSMATES KO... TAUPHIPHI..., yung Calachuchi, bamboo area, 2nd flr cafe, at sportscom na ginagamit naming venue pangrecess at lunch at pagpractice, yung mga maliliit na misunderstandings namin ng mga kaibigan ko, yung mga tawa sessions at mga iyakan sessions, yung +AJM at MCHS na sinusulat namin palagi sa testpaper, yung national bookstore sa aking bulsa, yung mga assembly namin na walang katuturan at may katuturan, yung chalkboard naming pangit, yung green tiled floor, yung brown na upuan na lamesa, yung pagbili ko ng siopao at green tea at meatloaf at bacon at junk food at rice--in-a-box sa cafe, yung PE uniform naming maluwag, yung bulletin board na dinadaanan namin everytime dumadaan sa may faculty, yung mababaw ngunit relieving na tuwa sa bawat A o A-, yung kapantay na mababaw na paghihinayang sa bawat B-, yung pagdaan mga ilegal na pagdaan namin sa no-students-shall-pass-here na hallway, yung paglusot namin nang walang ID, yung mga pagkain ng candy sa classroom with the consent of ms obias, yung mga joketime ni sir diwa, yung pagbibigay advice at pagcocommend sa amin ni ms abenes, yung mga kwentuhan namin ni Helen pag THE time, yung pagdala ng mabigat kong sling bag at blue expander at orange bag, yung mga groupworks namin, yung mga pagpunta sa AVR at bookstore at library, yung pag-frolic namin sa field nang walang dahilan, yung masarap na paghangout sa school pag late na at payapa tingnan ang campus, yung mga minamahal kong tao, lugar, at experiences na nagbigay sa akin ng mga alaalang hindi ko mabibitawan kahit kailan...

The list doesn't end there, and this makes me completely glad that I managed to live my highschool well enough to keep it going forever.

Looking back on the past four years I've consistently loathed and loved for as long as I can remember, I think I can now definitely affirm to the overused and in this case, overly true cliche that highschool more often than not presents you with some of the best years of your life.

ayoko pang umalis. ang hirap din pala tumanda.

No comments: